Bagyong Liwayway bahagyang lumakas habang tinatahak ang Hilagang-Kanluran ng bansa
Bahagyang lumakas ang Tropical Storm Liwayway habang patuloy na tinatahak ang direksyong Hilagang-Kanluran ng bansa papuntang West Philippine Sea.
Sa Pagasa 11pm (September 2) Severe Weather Bulletin No. 5, huling namataan ang Bagyong Liwayway 300 kilometers Northeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kilometers per hour at bugsong 90 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong North Northwest sa bilis na 25 kilometers per hours.
Nananatili ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes.
Ayon sa Pagasa, magpapaulan ang bagyo sa Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Batanes.
Habang habagat naman ang magpapaulan sa Ilocos Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas.
Maliit pa rin ang tsansa na mag-landfall ang Bagyong Liwayway pero posible itong maging Severe Tropical Storm sa loob ng 48 oras.
Tinatayang lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.