Magnitude 3.2 na lindol, yumanig sa Negros Occidental
By Angellic Jordan September 02, 2019 - 07:15 PM
Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Negros Occidental, Lunes ng gabi.
Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang sentro ng lindol sa 19 kilometers Southwest ng Sipalay bandang 6:08 ng gabi.
23 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.