SURE Aid para sa mga Rice Farmers isinulong ng Department of Agriculture
Nagsimula na ang ayuda ng Department of Agriculture (DA) sa Nueva Ecija sa mga magsasaka na labis na nalulugi ngayon dahil sa rice tariffication.
Ito ang SURE Aid o Survival and Recovery Assistance Program para sa mga Rice Farmers .
Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar sa pamamagitan ng SURE Aid, lahat ng mga magsasaka na naapeķtuhan ng rice tariffication ay makakakuha ng P15,000 na soft loan na may zero-interest at babayaran sa loob ng 8 taon.
Ayon kay Philippine Rice Research Institute (PRRI) vice president Flordeliza Bordey 2.4 million rice farmers o 40 percent ng mga magsasaka ang nakakaranas ng pagkalugi.
Una nang ipinatupad ng DA ang accelerated roll over system, mga hakbang para matugunan ang pagbaba ng presyo ng palay at bigas.
Sa ilalim umano ng sistema, magpapatuloy ang National Food Authority (NFA) sa pagbili, paggiling at pagbenta ng bigas habang tinitiyak na mayroong 30-day buffer stock.
Kinilala din ni Sec. Dar ang Nueva Ecija Provincial Local Government Unit na nagbigay ng agarang tulong sa mga naapektuhang magsasaka at hinikayat ang LGU na palakasin pa ang pakikipagtulungan nito sa DA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.