M3.5 na lindol naitala sa Surigao del Norte
By Rhommel Balasbas September 02, 2019 - 03:21 AM
Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bahagi ng Surigao del Norte alas-2:53 ng Lunes ng madaling-araw.
Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 32 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng General Luna.
May lalim lamang ang pagyanig na dalawang kilometro at tectonic ang pinagmulan nito.
Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.