Mosyon na i-withdraw ang 1st reading ng General Appropriations Bill sa 2020, hindi dapat ikabahala – Rep. Villafuerte
Iginiit ni House Deputy Speaker for Finance Lray Villafuerte na walang dapat ikabahala sa mosyon niyang i-withdraw ang 1st reading ng General Appropriations Bill para sa susunod na taon.
Ayon kay Villafuerte, procedural matter lamang ang dahilan kung bakit niya pina-withdraw ang House Bill 4228.
Paliwanag ng mambabatas, on-going pa ang budget presentation ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kaya hindi pa maaring maghain ng panukala para sa 2020 budget.
Bukod dito, ginawa aniyang co-author ni House Appropriations Committee Chair Isidro Ungab sa panukala si House Speaker Alan Peter Cayetano kahit hindi niya alam.
Igiiniit nito na nais lamang nila sa Kamara na maging transparent ang pag-usad ng pagtalakay sa taunang gugululin ng bansa.
Target pa rin naman anya nila na maipasa ito sa ikatlo at huling pagbasa bago ang kanilang session break sa Oktubre.
Sa ilalim ng rules, kailangan munang matapos ang budget briefing ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa Kamara bago maghain ng panukalang bugdet sa susunod na taon.
Aminado namam si Ungab na inatasan niya ang committee secretariat ng House Appropriations Committee na ihain ang panukala para sa 1st reading.
Sinabi rin nito na wala siyang personal na knowledge sa pag withdraw ni Villafuerte sa panukalang pondo.
Hindi rin anya nito alam kung sino ang nasa likod nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.