Napanatili ng Bagyong Liwayway ang lakas nito habang papalapit sa bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, huling namataan ang bagyo sa 470 kilometers East Northeast ng Maasin, Southern Leyte bandang 3:00 ng hapon.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Hilagang Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Ayon pa kay Aurelio, sa araw ng Miyerkules, posible pang lumakas ang bagyo at maaring umabot sa katergoryang tropical storm hanggang severe tropical storm bago lumabas ng Philippine Area of Responbility (PAR).
Hindi aniya inaasahang tatama ang bagyo sa kalupaan ng bansa.
Southwest monsoon o habagat naman ang nakakaapekto ng masamang panahon sa Kanlurang bahagi ng Luzon.
Samantala, nakalabas na ng PAR ang Bagyong Kabayan, Linggo ng umaga.
Huling namataan ang bagyo sa 680 kilometers West ng extreme Northern Luzon bandang 3:00 ng hapon.
Tinatahak ng bagyo ang Hainan, China sa bilis na 30 kilometers per hour.
Hindi naman inaasahang muling papasok ng PAR ang nasabing bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.