Light plane, bumagsak sa isang resort sa Calamba, Laguna
Bumagsak sa isang resort ang isang private plane sa isang resort sa Laguna bandang 3:20, Linggo ng hapon.
Ayon sa impormasyon mula kay Laguna Regional Director Colonel Eleazar Mata, patuloy pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng piloto at co-pilot ng two-seater light plane na bumagsak sa bahagi ng Purok 6 sa isang subdvision sa Calamba.
Ayon kay Mata, dinala na sa ospital ang dalawang sakay ng eroplano ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Local Disaster Management Division ng Calamba.
Batay sa salaysay ng mga testigo, lumilipad patungo sa direksiyon ng Mount Makiling ang naturang eroplano nang bigla na lamang ito nakitaan ng usok.
Sinikap umano ng pilot na ibalik ang eroplano pero bumagsak na ito sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.