Napaulat na kaso ng meningococcemia sa Davao City iniimbestigahan na

By Dona Dominguez-Cargullo September 01, 2019 - 08:39 AM

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Davao City Health Office sa napaulat na kaso ng meningococcemia sa lungsod.

Kamakailan may mga ulat na na isang bata ang tinamaan ng naturang sakit sa isang pagamutan sa Davao City.

Sa pahayag, sinabi ng City Health Office na walang kumpirmadong kaso ng meningococcemia sa lungsod.

Kumuha na rin ng blood samples para maisailalim sa pagsusuri at sa
confirmatory tests.

Kasabay nito nagpatupad na rin ng medical protocols sa mga pagamutan para maiwasan ang pagkalat ng impeksyon.

Habang hinihintay ang resulta ng pagsusuri ay hinimok ng City Health Office ang publiko na maging kalmado, maging maingat at iwasan ang pagpapakalat ng hindi kumpirmadong mga impormasyon.

TAGS: Davao City, Health, meningococcemia, Davao City, Health, meningococcemia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.