Pumatay kay dating US Sen. Robert Kennedy pinagsasaksak sa loob ng kulungan

By Noel Talacay September 01, 2019 - 12:19 AM

Pinagsasaksak si Sirhan Sirhan ng kapwa nitong bilanggo sa loob ng Richard J. Donovan Correctional Facility dahilan para magtamo ito ng ilang sugat sa katawan.

Base sa ulat ng Department of Corrections and Rehabilitation, agad na naka-responde ang opisyal ng kulungan at agad naisugod sa malapit na ospital si Sirhan.

kasalukuyan ng nagpapagaling ang 75-anyos na si Sirhan at inilipat na rin ng pasilidad ang nanaksak na bilanggo.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Si Sirhan Sirhan ay sinentensyahan ng panghabang buhay na pagkabilanggo noong June 6, 1968 dahil sa pagpatay kay dating US Sen. Robert Kennedy sa Ambassador Hotel sa Los Angeles matapos manalo nito bilang senador ng America.

 

TAGS: Ambassador Hotel, Los Angeles, Richard J. Donovan Correctional Facility, Sirhan Sirhan, US Sen. Robert Kennedy, Ambassador Hotel, Los Angeles, Richard J. Donovan Correctional Facility, Sirhan Sirhan, US Sen. Robert Kennedy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.