Leyte Rep. Veloso III nais ipabalik sa kulang 1,914 heinous crime convicts na nakalaya na

By Noel Talacay August 31, 2019 - 10:35 PM

Iminungkahi ni Leyte Representative Vicente Veloso III na muling pabalikin sa bilibid ang 1,914 na nabilanggo matapos palayain dahil batas na Republic Act No. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) law.

Ayon kay Veloso, ang 1,914 na pinalayang bilanggo ay hindi dapat kasama sa nasabing batas dahil isang makarumaldumal na krimen ang kanilang nagawa.

Sabi niya na ilegal ang pagkaloob sa kanila ng nasabing batas at dapat aniya ituring sila bilang tumakas na bilanggo.

Pahayag niya na sumasang-ayon siya sa sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi dapat kasali ang 1,914 na preso sa batas na GCTA.

Iginiit niya na ang 1,914 na pinalaya na bilanggo ay nahatulan dahil sa karumaldumal na krimen o tulad ng murder, rape, drug offenses, parricide, kidnapping at arson.

 

TAGS: drug offenses, Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law., heinous crime, kidnapping at arson, Leyte Representative Vicente Veloso III, Murder, parricide, rape, Republic Act No. 10592, drug offenses, Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law., heinous crime, kidnapping at arson, Leyte Representative Vicente Veloso III, Murder, parricide, rape, Republic Act No. 10592

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.