Registration ng wooden hull passenger boats itinigil ng Marina

By Jimmy Tamayo August 31, 2019 - 10:17 AM

File photo

Itinigil ng Maritime Industry Authority (Marina) ang pagpaparehistro sa mga pampasaherong bangka na gawa sa kahoy.

Ang nasabing hakbang ay pagtugon sa modernization program ng Department of Transportation (DOTr) para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Sinabi ni Marina officer-in-charge, Vice Admiral Narciso Vingson, hindi na rin ire-renew ang mga wooden hull boats kapag nag-expire ang kanilang registrations sa loob ng limang taon.

Ang tatanggapin lamang ng Marina ay mga pampasaherong bangka na gawa sa fiber glass o bakal.

Kaugnay nito, nangako naman ang tanggapan na tutulungan ang maaapektuhang operators sa pamamagitan ng pagbuo ng isang maritime transport cooperatives.

Nilinaw din ng DOTr na hindi na bago ang phaseout plan para sa mga wooden-hull bancas na nagsimula noon pang 2016.

TAGS: dotr, MARINA, passenger boats, vingson, wooden hull, dotr, MARINA, passenger boats, vingson, wooden hull

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.