MMDA: Mas maraming sasakyan sa EDSA asahan na simula bukas

By Rhommel Balasbas August 31, 2019 - 04:34 AM

INQUIRER PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Tumaas ng five percent o 22,054 ang bilang ng sasakyang dumaraan kada araw sa EDSA sa unang walong buwan ng taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2018 ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sa report na ibinahagi sa media ni MMDA Spokesperson Assistant at Secretary Celine Pialago araw ng Biyernes, mula sa average na 383,828 sasakyan noong nakaraang taon, pumalo na sa 405,882 ang sasakyan sa EDSA kada araw nitong Agosto.

Asahan pang sisikip ang EDSA simula bukas, pagpasok ng ‘ber’ month hanggang sa Disyembre.

Ayon kay Pialago, inaasahang tataas pa ng 20 percent o aabot sa 487,058 ang bilang ng mga sasakyan.

Pinakamataas ang nadagdag sa bilang ng mga motorsiklo na pumalo na sa 110,167 kumpara sa average na 86,082 noong 2018, mas mataas ng 27.98 percent o 24,085.

Pinakamarami ang mga kotse sa EDSA na pumalo na ngayon sa 255,732 na tumaas ng 1.63 percent mula sa 251,628 daily average noong 2018.

Ang bilang ng city buses naman ay tumaas ng 11.65 percent matapos sumampa sa 2,166 mula sa 1,940 noong nakaraang taon.

Sinabi ni Pialago na mahigpit na ipatutupad ngayon ang mga kasalukuyang polisiya ng MMDA hanggang sa makapagpresenta ng bagong proposal ang ahensya sa Metro Manila Council.

“Strict enforcement of existing policies until such time magkaroon ulit tayo ng pagkakataong makapag-present sa MMC ng new policies,” ani Pialago.

Magugunitang umani ng samu’t saring batikos ang panukalang ban sa driver-only vehicles at provincial buses sa EDSA.

 

TAGS: Assistant at Secretary Celine Pialago, ban, ber months, bilang ng sasakyan, driver-only vehicles, edsa, lalong sisikip, mas maraming sasakyan, Metro Manila Council, mmda, provincial buses, trapik, Assistant at Secretary Celine Pialago, ban, ber months, bilang ng sasakyan, driver-only vehicles, edsa, lalong sisikip, mas maraming sasakyan, Metro Manila Council, mmda, provincial buses, trapik

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.