Simbahan nagpalabas ng “Oratio Imperata” dahil sa dami ng nagkakasakit ng dengue at leptospirosis
Nagpalabas si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ng “oratio imperata” o mandatory prayer para ipagdasal ang mga tinamaan ng sakit na dengue fever at leptospirosis.
Sa circular na nilagdaan ni Chancellor Fr. Reginald Malicdem, inaatasan ang lahat ng parish priests, rectors, chaplains at superiors ng religious communities sa ilalim ng archdiocese of Manila na ipagdasal ang paggaling ng mga maysakit ng dengue at leptospirosis at iba pang karamdaman.
Dalawang bersyon ang inilabas na “oratio imperata,” ang isa ay sa wikang Ingles at isang Tagalog.
Dadasalin ito pagkatapos ng komunyon sa lahat ng mga misa sa mga simbahan na sakop ng Archdiocese of Manila simula sa Sept. 1.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.