Inarestong activist leader sa Hong Kong pinayagang magpiyansa

By Dona Dominguez-Cargullo August 30, 2019 - 06:50 PM

Pinayagan ng Hong Kong police na magpiyansa ang activist leader na si Joshua Wong at isa pang miyembro ng pro-democracy group na inaresto Biyernes (Aug. 30) ng umaga.

Si Joshua Wong, secretary general ng “Demosisto” ay inaresto habang nasa MTR Station at saka isinakay sa isang van.

Si Wong kasama si Agnes Chow na miyembro ng grupo, ay kapwa sumailalim sa imbestigasyon dahil sa posibleng pagkakasangkot nila sa protesta noong June 21 sa labas ng police station.

Samantala, hindi naman pinagbigyan ang hiling para sa isang major march na dapat ay gagawin bukas, araw ng Sabado.

Kapwa sila nahaharap sa kaso dahil sa paglahok sa hindi otorisadong protesta at paghikayat sa iba pa na makilahok.

Bagaman pansamantalang makalalaya ay magpapatuloy ang imbestigasyon sa dalawa.

TAGS: Hong Kong, Hong Kong Protests, Hong Kong, Hong Kong Protests

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.