3 Chinese drug lords na nakalaya mula sa Bilibid tututukan ng PNP

By Angellic Jordan August 30, 2019 - 04:10 PM

Tututukan ng Philippine National Police (PNP) ang aktibidad ng napalayang apat na convicted Chinese drug lords.

Napalaya sina Chan Chit Yue, Kin San Ho, Ching Che, at Wu Hing Sum matapos mapaigsi ang kanilang sentensya sa bisa ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Sa isang panayam sa ika-isang daan labing walong Police Service Anniversary sa Camp Olivas sa San Fernando City, Pampanga sinabi ni PNP chief Gen. Oscar Albayalde na bahagi ito ng kanilang intelligence monitoring.

Dati aniyang drug trader ang mga Chinese kung kaya’t kailangang bantayan kung babalik ang mga ito sa ilegal na aktibidad.

Wala aniyang magagawa ang PNP kung napalaya ang mga convicted drug lord sa ilalim ng batas.

TAGS: albayalde, Bilibid, chinese drug lords, Radyo Inquirer, albayalde, Bilibid, chinese drug lords, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.