Diskwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa gobyerno para sa mga nahatulan na isinusulong sa Kamara
Itinutulak ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento ang automatic disqualification sa convicted individuals sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno kahit pa inaapela ang kanyang kaso.
Base sa House Bill No. 92 nais nito na aamyendahan ang Sections 12 at 68 ng Omnibus Election Code.
Base sa Section 12 ng Election Code, diskwalipikadong tumakbo ang mga nahatulan sa kasong may parusang pagkakulong ng mahigit 18 buwan maliban na lamang kung mabigyan ng pardon o amnesty.
Nakasaad naman sa Section 68 ng parehong batas na maaari ding ma-disqualify ang mga nakagawa ng election violations gaya ng pamimili ng boto at sobra-sobranf gastos sa kampanya.
kailangan anyang amyendahan ang kasalukuyang batas para matiyak na napo-protektahan ang kasagraduhan ng pagkandidato sa public office.
Kabilang na rito ang mga convicted sa kasong katiwalian.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.