2 patay sa pagragasa ng isang bus sa isang restaurant sa Sariaya
Patay ang dalawa katao habang nasa 40 ang sugatan makaraang araruhin ng pampasaherong bus ang isang restaurant sa Barangay Sto. Cristo, Sariaya, Quezon Province kaninang madaling araw.
Ayon sa ulat, binabaybay ng Raymond Bus na minamaneho ni Leandro de Quinto ang pakurbadang bahagi ng highway ng sumalpok ito sa Kabayan Restaurant.
Kinilala ang nasawi na si Jessa Estimo, 19-anyos at waitress sa nasabing restaurant habang hindi pa natukoy ang isa pang nasawing lalaki na dead-on-arrival sa ospital.
Agad namang isinugod sa pinaka-malapit na ospital ang mga nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.