San Juan #WalangPasok sa opisina at eskwelahan ngayong araw

By Rhommel Balasbas August 30, 2019 - 02:27 AM

Walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong eskwelahan at maging sa mga opisina ng gobyerno at pribadong sektor sa lungsod ng San Juan, ngayong Biyernes, August 30.

Ayon sa anunsyo ng San Juan City government, ang kanselasyon ng pasok ay upang gunitain ang ika-123 Araw ng Pinaglabanan.

Ang Labanan sa Pinaglabanan ay ang unang engkwentro sa pagitan ng Katipunan at ng Spanish Guardia Civil noong August 30, 1896.

Mayroong programa mamayang alas-7:45 ng umaga ang lokal na pamahalaan sa Pinaglabanan Shrine.

Tema ng komemorasyon ngayong taon ay ‘Para sa Pagbabago at Pagkakaisa’.

 

 

TAGS: August 30, Battle of Pinaglabanan, eskwelahan, ika-123 Araw ng Pinaglabanan, Katipunan, opisina, Para sa Pagbabago at Pagkakaisa, Pinaglabanan Shrine, san Juan, Spanish Guardia Civil, walangpasok, August 30, Battle of Pinaglabanan, eskwelahan, ika-123 Araw ng Pinaglabanan, Katipunan, opisina, Para sa Pagbabago at Pagkakaisa, Pinaglabanan Shrine, san Juan, Spanish Guardia Civil, walangpasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.