Good News, kailangang pagtuunan ng media ayon kay Pope Francis
Nararapat lamang na mas bigyan ng pansin ng media ang paggawa ng mga positibo at masiglang balita upang malabanan ang nangingibabaw na kasamaan, karahasan at poot sa mundo.
Ito ang naging pahayag ni Pope Francis sa kanyang year-end message sa St. Peter’s Basilica.
Pinangunahan ng Santo Papa ang halos 10,000 na mananamba sa tradisyonal na “Te Deum” o ang year-end thanksgiving service sa St. Peter’s Basilica.
Sa kanyang maikling homily, sinabi ng Santo Papa na nag-iwan ng mga bakas ng trahedya ang taon 2015 sa buong mundo.
Kabilang na aniya ang mga karahasan, kamatayan, kahirapan ng mga inosenteng tao, mga refugee na napilitang lumikas sa kanilang bansa at mga bata na walang tirahan, makain at sumusuporta.
Iginiit ni Pope Francis na dapat nagkakaisa ang media sa paglaban sa karahasan na nangingibabaw sa mundo.
Kasabay nito, kinundina ng Santo Papa ang mga naranasang karahasan at kahirapan ng mundo sa taon 2015.
Nanawagan din si Pope Francis sa lahat na magkaisa upang matuldukan na kasamaan ng Islamist militants na nagdudulot ng kahirapan at karahasan sa maraming bansa.
Samantala, dahil sa nangyaring pag-atake ng terorista sa Paris noong November 13 na kumitil sa buhay ng mahigit isangdaan katao, pinaigting na ang seguridad sa Vatican City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.