Umabot na sa anim ang bilang ng mga namatay sa Ilocos Norte dahil sa sakit na dengue.
Pinakahuli ang isang 17 anyos na babae sa bayan ng Batac na nasawi araw ng Huwebes.
Noong nakaraang linggo ay dinala sa ospital si Angela Icuspit dahil sa lagnat at pananakit ng ulo.
Nagkaroon umano ng kumplikasyon ang dengue dahil inoperahan sa puso ang dalagita noong Hunyo.
Ayon sa provincial health office, asahan ang pagdami pa ng kaso ng dengue dahil sa bahang dulot ng pag-uulan sa lalawigan.
Sa huling tala, nasa 1,160 na ang bilang ng mga nagka-dengue sa Ilocos Norte mula Enero hanggang Agosto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.