MNLF at MILF, nagsagupaan sa Matalam, 3 patay

By Mariel Cruz January 02, 2016 - 08:05 AM

matalamNasawi ang tatlong kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa isang sagupaan sa mga kasapi naman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Matalam, Cotabato noong kasagsagan ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon sa hepe ng Matalam police na si Senior Insp. Sunny Leoncito, nagbarilan ang dalawang grupo nang aksidenteng magkasalubong ang landas sa Barangay Kidama.

Kinilala ang mga biktima na sina Dadrodin Ingkig ,27 anyos; Taya Akmad, 60 anyos; at isang Marcial, 35 anyos.

Kinumpirma rin Leoncito na aabot sa anim na bahay ang tinupok ng apoy habang 152 na pamilya ang inilikas habang nangyayari ang pagpapalitan ng putok ng baril ng dalawang grupo.

Maging ang limampung pamilya na naninirahan sa Barangay Marbel na malapit sa lugar ng pinangyarihan ng insidente ay pansamantalang nanirahan sa mga evacuation center.

TAGS: 3 killed in MNLF and MILF clash, 3 killed in MNLF and MILF clash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.