Baculin, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
By Angellic Jordan August 29, 2019 - 06:43 PM
Tumama ang magnitude 4.6 na lindol sa Davao Oriental, Huwebes ng gabi.
Ayon sa Phivolcs, niyanig ng lindol ang 69 kilometers Southeast ng Baculin bandang 6:20 ng gabi.
6 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.