Rainfall advisory, itinaas sa Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon
Asahan ang mahina hanggang katamtamang lakas ng ulan sa Metro Manila, Bulacan at Cavite, Huwebes ng gabi.
Base sa rainfall advisory ng PAGASA bandang 5:07 ng hapon, ito ay dahil sa umiiral na southwest monsoon o habagat.
Mararanasan ang sama ng panahon sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Maliban dito, mahina hanggang katamtamang buhos ng ulan din ang mararamdaman sa Zambales, Bataan, Pampanga at Nueva Ecija.
Inabisuhan naman ang publiko at mga Disaster Risk Reduction and Management Office na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.