Magsasagawa ng imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) sa umano’y grupong Kawsa Guihulnganon Batok Komunista o Kagubak sa Negros Oriental.
Sa isang pagdinig sa Senado, ito ang itinuro ni Senadora Risa Hontiveros na posibleng nasa likod ng serye ng patayan sa probinsya.
Sa isang panayam sa Camp Crame sa Quezon City, inamin ni PNP chief General Oscar Albayalde na wala pa siyang naririnig ukol sa nasabing death squad.
Wala rin aniyang naiulat ang regional police sa pagkakasangkot ng grupo sa mga insidente ng patayan sa Negros.
Dahil dito, kakausapin aniya niya ang provincial director para maimbestigahan kung totoo ang grupo.
Maliban dito, sinabi pa ng PNP chief na iimbestigahan din ang umano’y listahan ng mga target patayin ng grupo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.