WATCH: One-way traffic sa EDSA at C5 malayo sa katotohanan
Hindi posible ang one-way traffic sa EDSA at C5.
Pahayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa panukalang gawing one-way na lang pa-southbound ang EDSA at one-way pa-northbound naman ang C-5 para maibsan ang pagsisikip sa daloy ng traffic.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni EDSA Traffic Head Bong Nebrija kung gagawing one-way traffic ang EDSA, partikular na magiging problema ay ang mga pasahero ng MRT-3 na bumabagtas southbound at northbound.
Ayon kay Nebrija, magbabago ng husto ang commuting pattern ng mga pasahero kapag nagpatupad ng one-way sa EDSA.
Sa kabila nito sinabi ng MMDA na welcome sa kanila ang panukala at hinikayat ang grupong nagbigay ng suhestyon na talakayin ito sa Department of Transportation.
Ani Nebrija, bukas ang ahensya sa lahat ng mga suhestyon para maibsan ang masikip na daloy ng traffic sa EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.