State of emergency sa Sri Lanka binawi na matapos humupa ang banta sa seguridad
Binawi na ang pag-iral ng state of emergency sa Sri Lanka matapos ang apat na buwang pagpapatupad nito.
Ipinatupad ang state of emergency matapos ang serye pambobomba sa tatlong simbahan at tatlong hotel noong Easter Sunday, April 21.
Ayon kay Police Media Spokesman SP Ruwan Gunasekera sa kabila ng pagbawi sa state of emergency ay magpapatuloy ang masusing imbestigasyon sa insidente.
Umabot sa 259 na katao ang nasawi sa naturang mga pagpapasabog at 500 naman ang nasugatan.
Itinuturing namang positibong hakbang para sa tourism industry ang pagbawi sa state of emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.