Pangulong Duterte magiging diretsahan ang pagdidiga sa arbitral ruling kay President Xi

By Dona Dominguez-Cargullo August 29, 2019 - 08:33 AM

Hindi na magpapatumpik-tumpik pa at magiging diretsahan si Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa paglalahad sa arbitral ruling ng permanent court of arbitration na hindi kumikilala sa nine dash claim ng China sa South China Sea.

Pahayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa gitna nang inaabangang pag-uusap nina Pangulong Duterte at ni Xi sa Beijing, China.

Ayon kay Panelo, dati nang binuksan ni Pangulong Duterte kay Xi ang arbitral ruling subalit pahapyaw lamang ang dating.

Pero sa muli nilang paghaharap mamaya ni President Xi, sinabi ni Panelo na magiging diretso si Pangulong Duterte sa gagawin nitong pag-ungkat sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Hindi naman magiging one on one ang set-up ng pagkikita mamaya nina President Xi at ni Pangulong Duterte na una ng inakala ni Panelo.

TAGS: 9 dash claim, arbitral ruling, bilateral talks, China, president duterte, president xi, 9 dash claim, arbitral ruling, bilateral talks, China, president duterte, president xi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.