Locsin hindi tinanggap ang sorry ng Chinese ship owner
Inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi niya tinanggap ang ‘apology’ ng may-ari ng Chinese vessel na bumangga sa bangka ng mga mangingisdang Filipino sa Reed Bank sa South China Sea.
Sa isang tweet, Miyerkules ng gabi, sinabi ni Locsin na ‘noted’ sa kanya ang apology.
Gayuman, hindi niya ito tinanggap dahil hindi naman anya siya mangingisda.
“Hey morons! I merely NOTED the Chinese apology. I did not accept it. I am not a fisherman,” ani Locsin.
Magugunitang humingi ng paumanhin ang shipowner sa pamamagitan ng hindi pinangalanang Chinese group sa liham na naka-address sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Dagdag ni Locsin, kuntento naman ang Palasyo ng Malacañang sa apology letter ng ship owner.
“Panelo merely expressed satisfaction with the Chinese apology for the incident and the offer of compensation and nothing more,” dagdag ng kalihim.
Sa kanilang liham, iginiit din ng grupo na aksidente lamang ang nangyari.
Hey morons! I merely NOTED the Chinese apology. I did not accept it. I am not a fisherman. Panelo merely expressed satisfaction with the Chinese apology for the incident and the offer of compensation and nothing more.
— Teddy Locsin Jr. (@teddyboylocsin) August 28, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.