Pagpapatayo ng dormitory at housing sites sa mga SUCs, batas na
Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong batas na mag aatas sa mga State Universities and Colleges sa buong bansa na magpatupad ng Land Use Development and Infrastructure Plan.
Ito ay upang matiyak na maayos na magagamit ang lupain ng mga SUCs.
Base sa Republic Act 11396 nakasaad sa batas na kinakailangan na magkaroon ng housing sites, dormitory architectural design at iba pa ang mga SUC.
Nakalagay din sa batas ang gastos ng konstruksyon ng mga imprastraktura, feasibility study at financial plan pati na ang pagkukunan ng pondo.
August 22 pa nilagdaan ni Pangulong Duterte ang bagong batas subalit ngayong araw lamang ipinamahagi sa media ang kopya nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.