CHR pasok sa imbestigasyon sa pinatay na BuCor official
Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagpatay sa isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Muntinlupa City.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ni CHR spokesman Atty. Jacqueline Ann de Guia na magsasagawa sila ng imbestigasyon sa pagpatay kay Ruperto Traya, chief administrative officer 3 ng BuCor.
Hinikayat din nito ang mga otoridad na magsagawa ng malalimang imbestigasyon para mabigyan ng hustisya ang biktima at naiwang pamilya nito.
Suportado rin aniya ng CHR ang nais ng BuCor na solusyunan ang jail management issues.
Sa ngayon, hindi pa rin nakikilala ang responsable sa pamamaril.
Hindi naman nabanggit ng CHR kung kailangan nila sisimulan ang kanilang sariling imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.