2 patay sa nasunog na barko sa karagatang sakop ng Dapitan

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2019 - 10:16 AM

(UPDATE) Dalawa ang kumpirmadong nasawi sa nasunog na passenger ferry sa karagatang sakop ng Dapitan City, Zamboanga Del Norte.

Mahigit 100 naman nang pasahero ng nasunog na Lite Ferry 16 ang nailigtas.

Ayon sa Philippine Coast Guard, ang Lite Ferry 16 at umalis ng Samboan wharf sa Cebu at patungo sana ng Dapitan sakay ang 136 na pasahero at 38 crew members at cadets.

Sinabi ni Coast Guard Dapitan City Station Commander Lt. Junior Grade Cherry Manaay pawang pasahero ang mga nasawi.

Ang dalawang nasawi ay kinilala ng coast guard na sina Chloe Labisig, isang taong gulang at Danilo Gomez, 60 anyos. Habang mayroong isa pang dinala sa ospital na walang malay.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ay sa engine room ng barko nagsimula ang sunog.

Patuloy naman ang paghahanap sa mga nawawala pang pasahero.

TAGS: coast guard, dapitan city, fire incident, Lite Ferry 16, coast guard, dapitan city, fire incident, Lite Ferry 16

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.