Pulis natagpuang patay sa loob ng kaniyang quarters sa Manay, Davao Oriental

By Jimmy Tamayo August 28, 2019 - 09:20 AM

Patuloy na iniimbestigahan ang pagkamatay ng isang pulis na natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang tinutuluyan sa 1st Davao Oriental Police Mobile Force Company (DOPMFC) sa Barangay San Ignacio, Manay, Davao Oriental.

Bandang 6:30 Martes ng umaga nang madiskubre ang duguang bangkay ni Patrolman Police Officer 1(PO1) Pat Nonie Lad Badbadon na may tama ng bala sa ulo.

Sa inisyal na imbestigasyon, pinaniniwalaang nagpakamatay si Badbadon sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili.

Hawak pa ng biktima ang kanyang service firearm na isang .9mm na baril nang madiskubre ang mga labi nito.

Hindi naman naniniwala ang kaanak ni Badbadon na nagpakamatay ito.

Ayon sa kanyang tiyuhin na si Sammy Badbadon, wala silang alam na problema ang biktima at alam din umano nitong kasalanan ang pagpapatiwakal.

Nabatid na dating naka-assign ni Badbadon sa Sta. Ana PNP bago inilipad sa Manay PNP.

TAGS: davao oriental, Manay, police, davao oriental, Manay, police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.