North Korea bumubuo ng warheads para sa ballistic missile shield ayon sa Japan

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2019 - 07:51 AM

May binubuong warheads ang North Korea bilang depensa laban sa ballistic missile.

Ito ang inihayag ni Japanese Defense Minister Takeshi Iwaya sa isang news conference.

Ayon kay Iwaya, ang mga paglulunsad ng missile ng NoKor nitong nagdaang mga araw ay mayroong hindi pangkarinawang trajectories.

Ang panibagong pagpapakawala ng short-range missile ng Pyongyang ay nagdulot na ng pagka-alarma sa pamahalaan ng Japan.

Noong Martes, nagpatawag ng closed-door discussion ang United Nations Security Council base sa hiling ng Germany, France at Britain para talakayin ang aksyon ng NoKor.

Kinondena ng tatlong bansa ang anila ay mapanghamong hakbang ng Pyongyang at sinabing paglabag ito sa mga resolusyon ng Security Council.

TAGS: ballistic missiles, Japan, Kim Jong un, north korea, Pyongyang, warheads, ballistic missiles, Japan, Kim Jong un, north korea, Pyongyang, warheads

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.