Bagyong Jenny humina nang mag-landfall sa Aurora pero posibleng lumakas muli bilang tropical storm – PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo August 28, 2019 - 05:20 AM

Humina ang bagyong Jenny at naging isang tropical depression na lamang makaraang mag-landfall sa Casiguran, Aurora kagabi.

Sa 5:00AM weather bulletin ng PAGASA ang bagyo ay huling namataan sa layong 125 kilometers Northwest ng Dagupan City, Pangasinan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 85 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 35 kilometers bawat oras sa direksyong west northwest.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa sumusunod na mga lugar:

• Cagayan
• Isabela
• Quirino
• Nueva Vizcaya
• Apayao
• Abra
• Kalinga
• Mountain Province
• Ifugao
• Benguet
• Ilocos Norte
• Ilocos Sur
• La Union
• Pangasinan
• Zambales
• Tarlac
• Nueva Ecija
• Aurora
• Pampanga
• Bulacan
• northern portion of Quezon kabilang ang Polillo Islands

Ayon sa PAGASA maaring mag-reintensify ang bagyo ay maging isang tropical storm muli habang papalayo ito ng landmass.

Maghahatid pa rin ito ng mahina hanggang katamtaman at madalas na malakas na pag-ulan ngayong araw sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, Isabela, Quirino, at Nueva Vizcaya.

Habang mahina hanggang katamtaman naman at paminsan-minsang malakas na ulan sa Central Luzon, Western Visayas, Zamboanga Peninsula, Mindoro Provinces, at Palawan.

Ang mga residente sa nabanggit na mga lugar lalo na ang mga naninirahan sa mabababang lugar ay pinag-iingat sa posibleng pagbaha at landslides.

TAGS: jenny', Pagasa, Tropical Depression, weather, jenny', Pagasa, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.