Duterte nagkaloob ng titulo ng lupa sa 46,000 agrarian beneficiaries
Aabot sa 46,000 na agrarian beneficiaries ang binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng mga titulo ng lupa.
Katumbas ito ng 71 na ektarya ng agricultural land.
Ayon kay Agrarian Reform Secretary John Castriciones, ipinamahagi ng pangulo ang titulo ng lupa kasabay ng pagdiriwang ng ika-31 anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program na ginanap sa Department of Agrarian Reform (DAR) sa Quezon City.
Sa naturang bilang, mahigit sa 24,000 na mga magsasaka sa Central Luzon ang nabigyan ng titulo habang mahigit 11,000 mula sa Calabarzon at mahigit 9,000 mula sa Mimaropa.
Una nang inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng tanggapan ng pamahalaan na iturn-over sa DAR ang mga lupang pag-aari ng gobyerno para maipamahagi sa mga magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.