Pagtaas sa pensyon ng mga dating sundalo asahan na sa susunod na taon

By Erwin Aguilon August 27, 2019 - 01:04 PM

Magkakaroon ng karagdagang pensyon sa susunod na taon ang nga retiradong miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa pagdinig ng panukalang 2020 budget ng Department of National Defense (DND) sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na 29% ang itinaas ng pension ng gratuity program nila.

Sinabi nito na P11.93 billion ang idinagdag sa kabuuang budget ng 2020 retirees pension and benefits na nasa P69.7 billion para sa susunod na taon.

Salig ito sa implementasyon ng pinirmahang batas para sa dagdag na pensyon ng mga unipormadong tauhan ng Hukbong Sandatahan.

Gayundin ay tumaas sa 6% ang pension ng mga beterano ng Worl War II kaya asahan ang pagtaas ng pensyon ng mga ito sa P20,000 kada buwan mula sa kasalukuyang P5,000.

Tumaas din sa 1.3% o P2.3 Billion ang pondo ang DND para sa 2020 na nasa P258. 35 Billion.

Sa ilalim ng proposed budget ng DND, P119.2 Billion dito ay para sa Personnel Services, P40.7 Billion ay para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) at P28.80 Billion ay para sa Capital Outlay.

Inaasahan na mabebenepisyuhan ng DND budget ang nasa 148 thousand na uniformed personnel, 12 thousand civilian employees at 69 thousand CAFGU.

TAGS: AFP, DND Budget, Pension, retired soldiers, soldiers, AFP, DND Budget, Pension, retired soldiers, soldiers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.