Pamunuan ng CEU pinagsabihan sa hindi pagsunod sa all levels na suspensyon ng klase sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo August 27, 2019 - 01:01 PM

Tinawag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang atensyon ng pamunuan ng Centro Escolar University (CEU).

Ito ay makaraang iparating ng ilang netizens sa City Government ang hindi pagsunod ng CEU sa all levels na suspensyon ng klase sa lungsod.

Alas 9:00 ng umaga ng Martes, Aug. 27 nang gawing all levels ang suspensyon ng klase sa Maynila mula sa pre-school to senior high school na naunang anunsyo.

Ayon sa Manila Public Information Office, alas 11:00 ng umaga nang makausap ng lokal na pamahalaan ang isang mataas na opisyal sa CEU.

Nangako umano itong agad susunod sa all levels na suspensyon ng klase.

Umaasa naman ang Manila City Government nanito na ang huling pagkakataon na ito ay mangyayari.

TAGS: cebu, Manila City Government, Manila PIO, suspension of classes, cebu, Manila City Government, Manila PIO, suspension of classes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.