Ilang mataas at dating opisyal ng PhilHealth sasalang sa lifestyle check
Pumayag na ang apat na mataas at dating opisyal ng PhiHealth na magpasailalim sa lifestyle check.
Ito ay hinggil sa ginagawang imbestigasyon ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC.
Ayon kay PACC Commissioner, Atty. Manuelito Luna, pinakahuli sa mga boluntaryong pumayag na masalang sa lifestyle check ay si dating PHIC Acting President and Board Member Dr. Celestina Dela Cerna.
Kahapon ay humarap aniya sa kaniya si Dela Cerna na naghayag din ng kahandaan na lumagda sa waiver para makita ang kanyang mga bank account.
Nangako rin aniya si Dela Cerna na maghahain ng kanyang SALNs at mga kaakibat na dokumento sa lalong madaling panahon.
Bukod kay Dela Cerna, kabilang din sa pumayag na ma-isailalim sa.lifestyle check ng PACC, sina dating Philhealth President and Board Member Dr. Roy Benedicto Ferrer, Board Member Dr. Roberto Salvador at sin f Region 8 Acting Senior Vice-President Arlan Granali.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.