P1.3M shabu nasabat sa buy-bust sa Maynila

By Rhommel Balasbas August 27, 2019 - 05:04 AM

Nasamsam ang aabot sa P1.3 milyong pisong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Quiapo, Maynila, Martes ng madaling araw.

Ayon kay Sta. Cruz Police Station Drug Enforcement Unit chief P.Capt. Kerwin Evangelista, arestado sa operasyon ang isang 23-anyos na suspek na galing pang Cotabato.

Lumuwas sa Maynila ang suspek para magbenta ng droga.

Matagal nang minamanmanan ng mga pulis ang suspek.

Nakuhaan ito ng 200 gramo ng shabu.

Umamin ang suspek na nagdedeliver siya ng droga sa mga tulak na nagbebenta naman sa mga kalsada.

Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: anti-drug operations, buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, quiapo, anti-drug operations, buy bust operation, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, manila, quiapo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.