Pelikulang ‘Just A Stranger’ ni Anne Curtis, kumita ng P52M sa loob ng 5 araw
Tumabo sa takilya ang sexy drama movie na ‘Just A Stranger.’
Sa Twitter, inanunsiyo ng VIVA Entertainment na umabot na sa P52 milyon ang kinita ng pelikula sa loob ng limang araw simula ng ipalabas ito sa mga sinehan.
Gamit naman ang kaniyang Twitter account, nagpasalamat ang aktres na si Anne Curtis sa lahat ng sumuporta sa pinagbidahang pelikula kasama si Marco Gumabao.
Ang naturang pelikula ay nasa ilalim ng direksyon ni Jason Paul Laxamana.
THANK YOU MY LOVES!!!!!! GOOD MORNING!!! OK, Now rushing to Showtime. Pagod ako from cheering for my Showtime family last night! Btw, for those who missed out on watching this weekend! Head out to cinemas today!!! pic.twitter.com/COdhyjlcon
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) August 26, 2019
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.