Angat Dam naabot na ang minimum operating level
By Angellic Jordan August 26, 2019 - 11:14 PM
Muli nang naabot ng Angat Dam ang minimum operating water level na 180 meters.
Sa abiso ng Manila Water, bandang 8:00 Lunes ng umaga, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 180.07 meters na.
Tumaas ito ng 1.93 meters mula sa naitalang antas ng tubig bandang 8:00, Linggo ng umaga.
Nadagdagan din ang antas ng tubig sa Ipo Dam na ngayon ay nasa 101.4 meters na.
Bahagya ring tumaas ang tubig sa La Mesa Dam na ngayon ay nasa 76.88 meters na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.