Gilas Pilipinas, talo sa ikalawang tune-up game vs Adelaide
Sa kabila ng pagbabalik sa basketball court ni Kiefer Ravena, natalo ang Gilas Pilipinas sa ikalawang tune-up game laban sa Adelaide 36ers sa iskor na 85-75.
Ito ang huling laban bago ang 2019 FIBA Baskbetball World Cup.
Naging malakas pa rin sa laro si Ravena matapos makakuha ng pitong magkakasunod ng puntos sa ikalawang kwarter ng laban.
Inabot ng 18 buwan bago nakabalik si Ravena sa paglalaro matapos masuspinde ng FIBA.
Sa paghahanda sa FIBA World Cup, mayroong 1-1 win-loss record ang koponan ng Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.