Korupsyon sa PhilHealth, dapat munang mahinto bago taasan ang buwis sa alcohol – Sen. Gatchalian

By Angellic Jordan August 25, 2019 - 05:37 PM

Inihayag ni Senator Sherwin Gatchalian na dapat munang mahinto ang korupyson sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bago simulan ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa mga inuming nakalalasing.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng senador na lumalabas sa mga ulat na malaki ang nawawala sa PhilHealth dahil sa korupsyon.

Iginiit ni Gatchalian na ang pagtataas ng buwis ay para mapondohan ang Universal Health Care program ng pamahalaan.

Nakababahala aniya ang iniulat ng Commission on Audit (COA) kung saan nasa P102.5 bilyon ang nawawala sa overpayment ng PhilHealth mula 2013 hanggang 2018.

Ipinunto rin ng senador ang ghost kidney treatment sa WellMed Dialysis Center sa Quezon City.

Ani Gatchalian, kung hindi mahihinto muna ang korupsyon, lumalabas na parang pinopondohan pa ang ilegal na aktibidad sa ahensya.

TAGS: korupsyon, philhealth, Sherwin Gatchalian, korupsyon, philhealth, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.