16 sugatan sa sunog sa isang hotel sa Dubai
Bago ang pinaka-aabangang fireworks display sa Burj Khalifa Tower sa Dubai, tinupok ng apoy ang kalapit nitong gusali na ‘The Address Hotel’.
Hindi naman nadamay ang Burj Khalifa Tower na itinuturing na ‘World’s Largest Building’.
Natuloy naman ang taunang magarbong fireworks display sa Burj Khalifa na taun-taon ay dinarayo ng milyun-milyong tao.
Sa pagtaya ng mga otoridad, 16 ang naitalang nasugatan sa nasabing sunog.
Ayon kay Dubai Police Chief General Khamis Matar al-Mzeima, mabilis na nailikas ang mga occupants ng 5-star hotel bago pa lumaki ang apoy.
Tumagal ng tatlong oras ang sunog at hindi pa alam kung ano ang pinagmulan nito.
Nabatid na habang isinasagawa ang fireworks display sa Burj Khalifa ay nagpapatuloy pa rin ang pagliliyab ng apoy sa The Address Hotel.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.