Jesuit volunteer patay; isa sugatan sa Bukidnon

By Noel Talacay August 25, 2019 - 01:28 AM

FB photo

Patay ang isang Jesuit volunteer at sugatan naman ang kasama nitong abogado matapos silang pagsasaksakin sa loob ng kanilang cottage sa bayan ng Pangantucan, Bukidnon.

Kinilala ang Jesuit volunteer na si Genifer Buckly, 24 anyos, na nagtamo ng mga saksak sa dibdib at tiyan.

Sugatan naman si Atty. Anne Kathleen Gatdula, 30 anyos na taga Quezon City na nagtamo naman ng saksak sa tiyan at balikat.

Ayon kay Senior Sgt. Michael Villasan ng Pangantucan PNP, nagpapagaling na si Atty. Gatdula sa isang ospital sa kanilang bayan.

Agad nagsagawa ng operasyon ng Pangantucan PNP, dahilan para agad namang maaresto ang suspek na si Arnold Naguilla, 36 anyos at residente ng nasabing bayan.

Base sa imbestigasyong ng Pangantucan PNP, pwersahang pinasok ng suspek ang cottage ng mga biktima at naaktuhan itong nagnanakaw.

Sa takot ng supek ay pinagsasaksak niya ang mga biktima.

Sinabi naman ni Villasan na kinumpirma ni Atty. Gatdula ang pagka-kilanlan ng suspek.

 

TAGS: bukidnon, Jesuit volunteer, nakawan, patay sa saksak, bukidnon, Jesuit volunteer, nakawan, patay sa saksak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.