Vietnam at China muling nag-girian sa South China Sea
Muling nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng Vietnam at China makaraang lumapit sa exclusive economic zone (EEZ) ng Vietnam ang isang Chinese survey ship.
Sinabi ng Vietnam na noong nakalipas na buwan pa nila binabantayan ang Haiyang Dizhi 8 ng China na nagsasagawa ng seismic survey sa lugar.
Dahil dito ay nagpadala ng dagdag na pwersa ng militar ang Vietnam malapit sa barko ng China.
Naganap ang standoff sa layong 102 kilometers (63 miles) Timog-Silangan ng Phu Quy island na sakop ng EEZ ng Vietnam.
Napag-alaman rin na mayroong apat na barkong escort ang survey ship ng China.
Kaugnay nito ay sinabi ni Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc na maghahain sila ng panibagong reklamo laban sa China.
Nauna nang sinabi ng Australia at US na nagbabalak ang China na magsagawa ng oil exploration sa ilang mga isla sa South China Sea kung saan kabilang ilang mga bansa sa mga claimant-countries.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.