Ilang lugar sa NCR maagang binaha, byahe ng PNR sinuspinde
Maagang inihinto ng Philippine National Railways (PNR) ang kanilang mga byahe dahil sa malakas na buhos ng ulan na nagresulta sa ilang mga pagbaha.
Sa kanilang advisory, sinabi ni PNR spokesperson at operations manager Joseline Geronimo na umabot sa 24 inches ang baha sa ilang mga lugar sa Maynila at Makati City.
Lubha umanong delikado kapag itinuloy ang byahe ng mga tren kaya nagdesisyon silang ihinto pansamantala ang kanilang operasyon simula alas-siete ng umaga kanina.
Samanatala, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na binaha rin ang ilang mga pangunahing lansangan sa Metro Manila dahil sa patuloy na pag-ulan.
Kabilang dito ang Chino Roces Avenue (19 inches, not passable ),EDSA Roxas Boulevard flyover papuntang Baclaran Church (8 inches), Tramo malapit sa Circulo del Mundo eastbound sa Pasay City (8 inches) at Taft Avenue cor. UN Ave. sa Maynila (gutter-deep).
Pinapayuhan naman ng Department of Health ang publiko na mag-ingat sa paglusong sa mga baha dahil sa tumataas na kaso ng leptospirosis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.