Bagyong Ineng palabas na ng bansa pero may papasok na bagong bagyo
By Jimmy Tamayo August 24, 2019 - 09:56 AM
Namataan ng PAGASA ang panibagong low pressure area na kumikilos sa Mindanao.
Huling namataan ang LPA 1,900 kilometro silangang bahagi ng Mindanao.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Gener Quitlong, wala panamang direktang epekto sa bansa ang nasabing sama ng panahon.
Samantala, inaasahang lalabas ng PAR ang bagyong Ineng Sabado ng hapon o sa gabi.
Pero habang papalabas ito ng bansa ay asahan pa rin ang mga pag-ulan dahil hahatakin ni Ineng ang Habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.