1,000 palaka ipinakalat sa isang barangay sa Quezon City bilang panlaban sa lamok

By Rhommel Balasbas August 24, 2019 - 03:19 AM

Credit: Barangay Old Balara

Nagpakalat ang Barangay Old Balara sa Quezon City ng nasa 1,000 palaka upang mapigilan ang pagdami ng lamok na posibleng nagdadala ng mga mosquito-borne disease tulad ng dengue.

Ang hakbang ng baranggay ay sa gitna ng dumaraming bilang ng kaso ng dengue sa bansa dahilan para ideklara ang national dengue epidemic.

Personal na pinangunahan ni Kapitan Allan Franza ang pagpapakalat sa mga palaka sa estero, kanal, iba pang matutubig na lugar at mga bakanteng lote.

Naniniwala si Franza na mapipigilan ang pagdami ng lamok kapag kinain ng mga palaka ang mga ito.

Sa tala ng Brgy. Old Balara, nasa 49 ang kaso ng dengue sa kanilang lugar mule January 1 hanggang August 3.

Sa buong Quezon City naman, umabot na sa halos 3,500 ang kaso ng sakit kung saan 29 ang nasawi.

Ang kakaibang hakbang ng pamahalaang pambaranggay ay sa gitna rin ng paggamit naman ng mosquito fish ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kontra lamok.

Ang mosquito fish o mas kilala sa pangalang ‘itar’ o ‘kataba’ ay kumakain naman sa mga mosquito larve o mga kiti-kiti.

Nagpakalat na ang BFAR ng mosquito fish sa mga lalawigan ng Pangasinan, Nueva Vizcaya at Isabela.

 

TAGS: Barangay Old Balara, BFAR, Dengue, itar, kataba, kiti-kiti, lamok, mosquito fish, mosquito-borne disease, national dengue epidemic, quezon city, Barangay Old Balara, BFAR, Dengue, itar, kataba, kiti-kiti, lamok, mosquito fish, mosquito-borne disease, national dengue epidemic, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.