Bagyong Ineng, napanatili ang lakas; Storm warning signal, nakataas pa rin sa ilang lalawigan
Napanatili ng Bagyong Ineng ang lakas nito habang binabagtas ang Southern Taiwan- Batanes area.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa 330 kilometers East Southeast ng Basco, Batanes bandang 4:00 ng hapon.
Nanatali ang taglay nitong lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
May bilis ang bagyo na 25 kilometers per hour sa direksyong West Northwest.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 2 sa:
– Batanes
– Babuyan Islands
Habang Signal no. 1 naman sa mga sumusunod na lugar;
– Cagayan
– Isabela
– Apayao
– Kalinga
– Northern Abra
– Ilocos Norte
Dahil dito, sinabi ng PAGASA na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Provinces, Apayao, Kalinga at Abra.
Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Mindoro Provinces, northern portion ng Palawan kasama ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, Antique, western portion ng Iloilo at nalalabing parte ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region (CAR) at Cagayan Valley.
Sa araw ng Sabado (August 24), asahan naman ang katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na ulan sa Ilocos Region, CAR, Cagayan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Mindoro Provinces at northern portions ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands.
Sinabi ng PAGASA na malabo pa ring tumama sa kalupaan ng bansa ang bagyo.
Inaasahang naman lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Sabado ng gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.